Wednesday, May 29, 2013

Re-organize my-life.

Ang dami kong palpak sa buhay this past few years. Ang daming bagay na hindi ko makuhang ma organize ng maayos kaya talagang sumasablay ako sa madaming bagay. Kahit nga ang simpleng pag aayos ng kalat sa bahay hindi ko magawa ng maayos (Disappointed). 

I always make a plan and to do list naman para I make sure na na a accomplish ko yung dapat kung magawa pero hindi ko parin nagagawa ng maayos o nasusunod. Diba palpak?

Nawawalan ako ng disiplina sa sarili ko na nag cause sa akin ng hindi maganda. Like for example yung mga personal na gamit ko sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan na nakalagay, saan ko hahanapin kung sakaling kailangan ko na.

Sa office marami akong oras na Idle pero hindi ko nagagmit ng tama yung oras ko. Lately ko lang din na pag isip isip na kumakain ng malaking oras ko ay ang pag tingin ng profile ng iba (Lol) at hindi ito biro dahil nag ca-cause ng pag ka-inggit ko lang sa mga bagay na nararating nila. See wala din magandang dulot ito sa akin nag pi-pity lang ako.

Kaya i decided na kesa ganon ang gawin ko bakit hindi ko nalang gamitin ang marami kong free time sa pag aaral ng mga bagay na makakatulong sa akin. Mga bagay na hindi ko pa alam. 

Kaya naman lately lagi na akong nanood ng DIY videos and na i-inspire talaga akong gawin yung mga napapanood ko. Sobrang love ko din naman kase ang crafts ever since. 

Heto nga yung na tapos ko at sobrang tuwang tuwa ako dahil nakagawa ako ng bracelet display stand at ring organizer.
Alam nyo ba na gawa lang yan sa paper toilet tube at shoe led? Tapos yung ginamit ko na pangbalot sa paper tube ay felt paper :D. Tignan mo nga naman yung simpleng bagay na akala natin wala nang pag gagamitin meron pa pala tayong pwedeng magawa. 

Kaya naman after ng accessories organizer na nagawa ko madami pa akong gustong gawin. Pa unti unti babawi ako at pa unti unti aayusin ko yung mga bagay na dapat inaayos ko na. Ligpit ligpit din pag may time.

Back to scratch talaga ako kailangan kong i re-organize lahat. Kaya nga na isip ko na everyday dapat may bagay akong  ma solve o magawa para ayusin lahat ng dapat nang maayos. 

BUT EXCUSE MY POOR EXCUSE 
Ang hirap din kase sa part ko, working mom kase ako and pag dating sa bahay talagang wala na akong nagagawa para mag ayos. Kase yung oras na natitira ko nilalaan ko nalang sa anak ko. Yung simpleng pakikipag usap sa kanya at pag tatanong sa kanya kung ano ang ginawa nya sa maghapon don ko nalang nilalaan ang oras ko pag dating ng bahay. Ayaw ko kaseng may ma missed sa buhay ng anak ko. Simpleng yung pakikinig sa kwento nya masaya na ako. Kase hindi natin namamalayan nag babago din ang gusto nila ang ugali nila kaya naman i always make sure we had time na makapag usap. 

Pero alam ko na hindi dapat yon maging excuse para hindi ko maayos ang isang bagay. Nasa pag organize ko nga lang yan ng aking time. Ang sarap din kaya sa pakiramdam nang pag lahat ng bagay nasa ayos nakakawala ng stress.

QUESTION?
Kayo paano nyo ginagamit ang oras nyo lalo na kung wala kayong magawa? Paano nyo na o-organize yung trabaho at pag gawa sa gawain sa bahay? Share naman dyan.

No comments: