|
I AM PROUD TO BE PINOY |
|
Bakit kaya ganon?
Mas dumami ang ang Talangka sa panahon natin ngayon..
AKala mo kung sino na sila porket sila yung nasa itaas.
Sila nalang ang may karapatan.
Bakit kaya pag hindi ka ganon kagaling akala mo sila na ang pinaka angat at mahusay sa lahat.
At hindi na ibibigay yung pagkakataon na iyong hinahangad.
At kung mang lait parang ikaw na ang pinaka mangmang sa balat nang lupa.
Pag naka kita sila ng Pangit ang itsura isang damakmak ang panglalait,
dinaig pa ang may sakit na may ketong kung pandirian.
Pag nag kamali ka naman sa pag e-english parang ikaw na ang pina ka BOBO sa balat ng lupa.
Susukatin ang iyong kakayahan at pagkatao dahil lang sa isang pagkakamali.
Pag Sinubukan naman mag salita ng wikang Ingles Trying hard ang iyong maririnig.
Ano ba talaga ang dapat?
Sadyang ganito na ba talaga?
Minsan hindi ko na alam kung paano
maintindihan ang mga taong ito.
Ano nga ba ang pinang galingan ng mga taong ito? Bakit ganyan ka gaspang ang mga ugali nila?
Bakit kung umasal sila parang hindi
sila tao parang hindi Filipino?
Na wala na nga ba sa
ating mga Filipino
ang pakikipag
kapwa
tao?
Pero naisip ko na kahit ganito kagulo ang lipunan na kina bibilangan ko ngaun.
Hindi ko susubukin na maging isa sa kanila.
Hindi ko kailangan sumabay sa lahat ng pagbabago para lang masabi na nasa uso, o umangat habang hindi ko namamalayan na nakakasakit pala ako ng damdamin ng iba.
Hindi ko kailan man ihahangad na manlimbak kapwa ko tao para lang maging masaya at maging magaling sa paningin ng iba.
Lagi kong tatandaan na Ako ay nagmula sa bayan ng mga bayani.
Ang kalayaan ko na kamit ay utang ko sa kanila.
Salamat nalang at na mulat ako sa mga taong kinikilala ang pantay pantay na pagtingin sa bawat isa.
pero hindi ko din lubos isipin na dati akala ko mga dayuhan lang ang mga nang aapi hindi ko alam na mismo kapwa ko Filipino isa na sa kung umasal mas masahol pa sa dayuhan.
minsan subakan mong lumingon
kung ano ang iyong pinag mulan.
HAPPY INDEPENDENCE DAY mga ka BLOG!